Sunday, November 06, 2005

I intend to live forever. So far, so good.

Malapit na naman ang annual christmas party namin. For almost 6 years na rin kaming nagse-celebrate ng zio christmas party. 3 consecutive years yata akong absent nun, at puro batikos ang inabot ko, but last year was very different. Ginawa naming extra special last year because it's zionist's 10 year anniversary, ibig sabihin, 10 years nang naggagaguhan ang mga miyembro nito hahaha!

Zionist was supposedly 4 na member lang before, isa yata itong pangalan ng isang banda nung high school, eh since hindi sumikat yung banda sa school, at wala ni isang tugtugang natugtugan, eh yung mga member ng band ay humanap na lang ng kanilang groupie. Hanggang sa dumami na ng dumami at nakalimutan na yung banda at naging isang samahan. 2nd yaer high school ako nun nung nabalitaan ko itong grupo na to. Wala akong balak salihan, kase bawal samen nung high school sumali sa mga ganito, yung mga sumasali sa kanila ay patago lang, don't get me wrong, hindi ito isang fraternity na pag sumali ka eh kailangan ka pang paluin para magmakaawang isali.

Ang zionist ay grupo ng mga mahihilig sa music, be it jazz, rock, alternative, musicals (sa mga bading na member), pop (sa mga pink members) at kung anu-ano pang genre ng music. Dun basically nag umpisa at nakilala ang grupo. Nung high school di ko pa kilala kung sino-sino ang mga to, dahil rumors lang naman ang existence ng grupong ito nung una, hanggang sa nakasama ko ang ilan sa kanila at naging kaklase. Biglaan ang pagkakasali ko sa grupo, parang pagkagising ko ay may isang demonyo na nag guide sa akin na ito ang tamang daan. Una, sama-sama lang ako, mukhang normal naman na magkakaibigan na mahilig sa music ang mga ito, kaya napasama nako. 4th year high school na nung magsimula ang mga drinking session, halos every weekend ay may ganitong okasyon. Ang topic, MUSIC! Lahat ng bago sa rock scene, new album, new band at kung sino-sinong demonic guitar gods.

Hanggang sa nag evolve ang grupo, naging sentimental, tulad na rin ng mga songs na pinakikinggan. Naging mas transparent ang isa't-isa, na lalo namang nagpatibay sa bonding ng mga demonyitong ito. Halos lahat, kahit hindi mo naging kaklase ay naging bestfriend mo (think 1970s nung time ng mga hippie) hanggang ngayon naman ay hindi na maiaalis yung ganung bonding nyo, once nag evolve kayo sa ganun hindi na kayo pwedeng bumalik sa simula kahit matagal pa kayong hindi nagkita, the only way is to evolve uli.

Pare, nasaan na ang zionist? andyan lang yun, sa tabi-tabi, hindi mawawala.

College ako nun at nahiwalay na ang ilan sa mga miyembro, merong nangibang bansa para mag-aral at yung iba sa iba't ibang lugar na sa Pilipinas. May mga nag stay at nagpatuloy sa tradition, may mga ilan na sumusulpot at nawawala ulet. Pero kung anu pa man, alam naman nila na may babalikan sila. Ang mga naiwan, nag evolve ulet, naging mas solid ang bonding at naging mga darna(mga bading! hahahaha!)

Kaya may annual christmas party para pagsaluhan ang mga memories nang nagdaang taon, tulad ng isang lumang kanta, pag narinig mo ulet, babalikbalikan mo. After so many years, sa mga late night binges, sa race the sun experience, sa mga Prater nights, Dencios' drinking session, sa mga Bryan's house arrest, Gino's Ref raiders, Erwin's musical extravaganza, Gettin' jiggy with a punk sa Kalookan, jamming with spelling, hanging-out with the infidels, ay masasabi ko na...

no music no life!

salamat sa ala-alang bubuuin pa.


-IT'S A ZIO WORLD AFTER ALL

enter pinoy big brother theme song (hahahahaha!!!!) (rip-off! rip-off! rip-off!)

No comments: