Tuesday, September 06, 2005

It's gonna take a lot of fireworks to clean this place up.

A healthy individual releases 3.5 oz. of gas in a single flatulent emission, or about 17 oz. in a day.

SOURCE: The Story of Farts, Shinta Cho

Last week, wala akong ibang kinain kundi fruits, fruits, tsaka fruits. No, hindi kasama dun ang tutti-fruity tsaka juicy fruit. Talagang fresh fruits lang ang laman ng tyan ko for the whole week. Not knowing na medyo acidic pala ako, by the end of the week, eto na, para akong isang walking blow horn. tututururot!!!

Halos uminit ang puwitan ko buong maghapon. I tried everything para maihinto ang holocaust, uminum nako ng maraming water tsaka ng medicine pero walang nangyari. Kulang na lang eh tumambay ako sa banyo to make sure na hindi ako ang magiging dahilan ng sudden change of weather (read: sci-tech magazine on greenhouse effect.)


I can't go to the gym because of my condition. Hindi rin ako halos maka-alis, at kung aalis man ako, eh kelangan may dala akong wind vane (para sa mga magtatanong pa dyan kung ano ang wind vane.. wind vane - n : a mechanical device which rotates freely to show the direction of the wind. ok na?!.. continue…) para safe na wala akong masasaktang damdamin. Hirap nun ah, lalo na sa crowded elevator, o kaya sa escalator.


Naisip ko, kung puntahan ko na lang kaya yung kapatid ko at sa kanya ko i-confess lahat ng "fruit-of-my-labor" sanay naman yun sa aken eh, tsaka kapatid ko naman yun, o kaya makipag jamming sa mga Jazz artist kase I feel jazzy (more of gassy)-korny ha!- hirap kayang walang kausap kundi tong pwit kong tumotorotot. Feeling ko tuloy ako "Ang Batang Tumutunog" (a story from a defunct children's show), nilalayuan ng mga tao, kinamumuhian sa barrio, ngunit naging isang superhero dahil sa kakaibang lakas at talento, kakampi ng mga naapi, kalaban ng mga kawatan (ang sagwa!)


But one can’t help not to go outside, pano kung bibili ka ng food mo? Paano kung may kelangan kang puntahang importanteng bagay, like, kelangan mong manghiram ng DVD? Buti na lang at natapos ang linggo na wala naman akong nasaktang damdamin, bukod sa mangilan-ngilang nakita kong nakakunot ang nuo at parang may hinahanap (lingon sa kanan... lingon sa kaliwa... sabay sabi, "tangena sino ba yun?!") Syempre, iwas na lang ako sa mga tingin nila at nagdasal na sana invisible na lang ako.

So far, tumigil na ang my sound of music, safe na ang lahat (pwede na kayong bumalik sa inyong mga tahanan, barrio, baranggay at mamuhay ng normal.) Bumalik na rin ako sa normal diet ko, ayoko nang maulit ang nangyari. Kakahiya kase (nahiya ka pa!)


Sa mga nakapag mura nga pala, sorry at nagkasala pa kayo dahil saken....


...TANGINA NYO RIN!!!

No comments: