Thursday, April 30, 2009

Kung Bakit Walang Color Ang Jellyfish

Isang mainit na katanghaliang tapat sa kalagitnaan ng dagat. Sa di kalayuang parte ng dagat sa silangan. May isang dikya na masayang palanguy-langoy, namamasyal.

Dik-ya: nuninuninu ang sarap naman lumangoy! ang lamig ng tubig dagat!

Habang busy sa pamamasyal napansin niya ang mga kulay na nasa kanyang kapaligiran, samu’t-saring kulay, piyesta sa kanyang mga murang mata. Palibhasa’y kulong sa kursillo, lumaki siyang sabik na makita ang mundo sa labas ng institusyon na kanyang kinamulatan. Siya’y nakapag babasa naman dahil tinuruan siya ni pastor Pawikan nang kagandahan ng pagbabasa ng banal na bibliya.

Dik-ya: Wow! Ang ganda nang kulay nun! Kulay-indigo! Kulay-lila! Wow! Ayun! Kulay fearsome red! Crimson yellow! Siomai white! Periwinkle green! Wow! hanep!

Dala niya’y digital camera, kinunan nang kinunan ang mga bagay at eksena na kanyang nakikita sa paligid. Mga maliliit na isdang akay-akay ng kanilang mga ina patungo sa eskuwelahan, may pagi na naglalako ng panindang tinapay, galunggong na bus driver, octopus na lawyer, mga pating na may sidewalk-clearing operation sa pook pasyalan, at mga nag gagandahang korales at halamang-dagat sa daan. Naisip niya na kunan ng litrato ang sarili upang mailagay ito sa kanyang fwendstah account.

Click!

Siya ay nagulat…

Napansin niya na wala siyang kulay. Nalungkot si Dik-ya sa kanyang nadiskubri, tila kakatwa ang kanyang itsura sa kanyang paningin. Sabi niya sa sarili na baka naman nakaligtaan lamang siyang lagyan ng kulay.

Dik-ya: baka nakalimutan lang akong lagyan ng kulay…

Naisip niyang I-text si papa God para ipaalam Dito na nakalimutan siyang lagyan ng kulay. Kaya’t kinuha niya ang kanyang cellphone…

At walang signal…

Kaya’t naghanap siya ng signal.

Ayan!

Wala pa rin signal.

Eto na, 1 bar lang. At nagsimula na siyang pumindot.

Text ni Dik-ya:
gud nun fafa God dik-ya here po yhUng nsa dagat.
NkLmutn nyo poh aqhong lhagyan ng qholor
thankz poh. tc :)

Message sent.

Pero 30 minuto ang lumipas ni wala pa rin reply si papa God. Tinext niya ulit ito, at naghintay ng ilang minuto, wala pa rin siyang natatanggap mula kay papa God.

Dik-ya: Christ! Wala bang load to’ng si papa God? Baket kaya di Siya nag re-reply? Busy? Twagan ko na nga lang.

At nag kumiriring ang telepono sa kabilang linya.

HELLO?

Dik-ya: elow po, papa God?

OH! HELLO! MAAYONG BUNTAG! WA NAKO TUBAGA ANG CP KAY SIESTA PA, UNSA MAN IMONG TOYU?

Dik-ya: ah eh kasi po nakalimutan po niyo akong lagyan ng color. Lahat po kasi ng mga nakikita ko sa paligid ko may kulay, ako po wala.

AH MAO DIAY? USA KADIYOT.. NAPUPUTOL ANG LINYA DAY…

Biglang nag disconnect :P

Dik-ya: huh?

Naghanap ulit si Dik-ya nang lugar na may magandang reception ng signal, at ito’y sa ilalim ng waiting shed na may naka-vandal sa pader na- hoy gago! bawal mag daing dito molta bogbog! by mgmt.

May biglang nag text.

“AY GI ATAY! KINSA MAN NAG INGON NIMO NGA KINAHANLAN MAY COLOR KA?! :D”

No comments: