Sa aking pagtingin wari’y di mapansin, kabaitan ng buwan sa’yong mga mata
Nangungusap bituing nagniningning, kumikinang ang mga ngiting ang iba’y di mapapansin
Sa mga sekretong sulyap at dampi ng malamig na hangin sa aking balat, ika’y diwata at lahat ay tila isang likha nitong paraiso ng mutya
Isang gabing tulog ang pag-asa, sa mga sulyap, tingin at ngiti na di ko na rin halos mabasa, sana’y mapakitang ubos na sa luha
Kunwari’y masaya na lang, kunwari’y humihinga pa, sana’y mapaabot sayo sa mga basag na salita na humahampas sa pagkukunwari
Ako’y tubig at ika’y ang batong aking hinahampasan
Sayo, ang mga bulong ay nagsasabi…
No comments:
Post a Comment