Monday, May 30, 2005
Creation of a new moon part 2
Titig ng langit
Hinagpis sa unang luha
ng mga punong sumasayaw sa huni ng mga ibon
Dugo ang hampas ng hangin sa mga sayaw nito
Ayaw na rin sanang pansinin pa
ngunit gusto ko lang masaktan
Tulad ng sakit na nararamdaman
ng mga bulaklak na iyong inaapakan
Na lanta na't putol putol
Ang pag-hinga'y
Iyak ng kamusmusang alay
Bawat titig ng mga salita ay utos
ng sakit na iyong nararamdaman,
At ramdam ko rin
itong usal ng hangin na iyong nilalanghap
Na dugo ang hampas
Sa mga punong sawa na sa awit
Thursday, May 26, 2005
Dig down deep within this narrow labyrinth and bear witness to the horrifying fiend of truths that lie herein.
Developed and systemized addiction to contradiction
This requiem of madness
Thru words of neutralized lies and beauty of governed insanity
My eyes blurred of truth as to where I should be
To where, to whom this infection belonged
Guarded… secured… and protected.
Password embedded.
Tuesday, May 24, 2005
Throat or consequence?
I just hope na yung psychedelic medicine na binigay saken ni doctora ay mag-work, kase the only thing i think it do is to blurr my vision and take me to wonderland. Parang sa Matrix, i'll take the blue pill, then, tapos, suddenly, maya-maya, kasama ko na si angel locsin na lumilipad sa polluted atmosphere ng mega manila.
Having a swollen throat is a very serious matter. I guess, i just have to take my medicine and take a lot of rest, just like the doctor told me. But still, with a voice like this, i really have to belt it out... "remember meeeee!/kapag nag-iisaaaaaaaa!...."
Thursday, May 19, 2005
Creation of a new moon
Sa aking pagtingin wari’y di mapansin, kabaitan ng buwan sa’yong mga mata
Nangungusap bituing nagniningning, kumikinang ang mga ngiting ang iba’y di mapapansin
Sa mga sekretong sulyap at dampi ng malamig na hangin sa aking balat, ika’y diwata at lahat ay tila isang likha nitong paraiso ng mutya
Isang gabing tulog ang pag-asa, sa mga sulyap, tingin at ngiti na di ko na rin halos mabasa, sana’y mapakitang ubos na sa luha
Kunwari’y masaya na lang, kunwari’y humihinga pa, sana’y mapaabot sayo sa mga basag na salita na humahampas sa pagkukunwari
Ako’y tubig at ika’y ang batong aking hinahampasan
Sayo, ang mga bulong ay nagsasabi…