Tuesday, September 25, 2012

Published with Blogger-droid v2.0.9

Tuesday, July 24, 2012

valet by Charles Bukowski

One of my favorite poems from The Flash of Lightning Behind the Mountain by Charles Bukowski.


valet
by Charles Bukowski


I slide out of my battered
BMW
tell the valet,
"we accept but do not
offer mercy."

he laughs, "hey, hey,
I like that!"

he is a chatty
sort.
he shows me his arm:
"look, that's from a razor.
I was trying it one
night until I asked myself,
"why should I disfigure
a beautiful body like
mine?"
(he's built like an
ape.)

"either way, you're
right."

"what do you
mean?"

"I mean, do it or
don't, you're
right."

he grins: "hey,
yeah! that's
true!"

we smile at one another.

"I hear you write books?"
he says.

"that's true,
sometimes."

"where can I buy your
shit?"

"here and there..."

there is a line of
cars building up behind
us. it is a hot stupid
Saturday.

they
begin to
honk.

"HEY, YOU GUYS, KNOCK IT
OFF!"

"THEY'RE PUTTING THEM IN THE
GATE!"

"CUT OUT THE SHIT!"

the mob never understands
exchanges of
culture.

I move toward the
clubhouse.

my valet friend gets in and
zooms off in my
battered
BMW.

yes,
almost
anything
makes a
poem. 

Tuesday, July 17, 2012

magkasabay

Sabay tayong tataba
sabay tayong papayat

sabay tayong ngingiti
sabay tayong luluha
habang magkahawak ang ating mga kamay.

sabay tayong maglalakad
sabay tayong tatakbo

sabay tayong aalis
sabay din tayong babalik

ngunit hindi naman parating sabay,

habang ika'y naliligo na
papasok sa opisina

ako ay tulog pa,
bukas na maglalaba.

Thursday, September 01, 2011

same shit, different day

napadaan ako minsan sa may karuhatan.
duon,
naalala ko yung
kanta
o kuwento ba yun?
tungkol sa mga tae ng aso
sa kalye
na
parang
landmine
na iniiwasan mo
kapag ka
papasok ka na sa trabaho
sa umaga

marami pa ring
ta
e
ang nakakalat sa daan
alam mo,
marami pa ring
t
a
e
ang kailangang iwasan sa
araw-araw
pero
minsan makakaapak
ka talaga
ng isa.
Published with Blogger-droid v1.7.2

Monday, August 15, 2011

emotional garbage no. 2

"siguro... iibigin mo rin akong muli."
"tangina," sabi ko, "minahal na kita. anu pa bang gusto mo? wasakin ako?"
"Oo. Nais kong wasakin ka."
"Tama," sabi ko. "Yan din ang gusto ko."
Published with Blogger-droid v1.7.2

Monday, August 08, 2011

Thursday, June 16, 2011

bombs

We are bombarded everyday by advertisements that warn us that if we don't have such product or we don't own such brand, our value ang importance consequently diminish. -fight club, Chuck Palahniuk
Published with Blogger-droid v1.7.1

Monday, April 25, 2011

huwag

huwag kang magsusulat
habang lumuluha
papangit ang salita
lalamya ang linya

huwag kang magsusulat kung
may narramdamang kirot
gagagaan ang sukat
hihina ang pundasyon

huwag kang magsusulat kung
may pait sa dibdib
kung maaari
ikulong ang nararamdaman
huwag kang tanga
'wag mong ipakita
na marupok
ka.

tumigil na kapag
dumudugo na ang mga daliri
sa kamay
tumigil na kapag hindi na
kayang akuin ng keyboard
ang bigat ng tipa

teka
hindi ako manunulat.
at hindi
ako mahilig sumulat
ng mga
ganito
nagmumukha akong
gago
at baka may makabasa
nito.

Monday, August 09, 2010

tags: happy people on a drug called love

Alam mo ba? kanginang umaga, tila binabagyo ng sandaang unos ang mundo ko. Walang masulyapang saysay ang mga mata ko, walang bago. Walang kulay ang mundo, walang buhay. Wala ni isang bagay ang makapagpapagaling sa mga may sakit, walang mga alamat na magbibigay kahulugan ng buhay. Wala. Ni paru-parong nasa hardin ay tila kay bigat ng dinadala.

Ngunit ng makita ka, kahit hindi kita naka-usap, nagdiwang ang sandaang baryo sa buong kapuluan. Lumiwanag ang sanlibutan. Humuhuni ang mga ibon sa hardin. Sumibol ang sanlibo’t sandaang gumamella. Yumaman sa kayamanan ang lahat ng tao. Nagbuhos ng ngiti ang mga bagyo. Umapaw ang sinaing sa kaldero. Nangitlog ng ginto ang alagang bibe. Sinukuban ang mundo ng mga taong masasaya sa bawat araw na nabubuhay sila.

Ngunit ang higit sa lahat, nabuo mo ang araw ko.

Monday, August 31, 2009

Post One

Ika-tatlumpu nang Nobyembre, taong dalawan' libo at walo....


at walang pinagka-iba ang agosto.

Saturday, June 13, 2009

Ambusabos (Heavy Rain)

Nakita kitang nakapikit,
humahanga sa iyong ganda.
Nakatunganga habang lahat ay masaya.
Kumakanta
Nang may biglang may luhang tumulo
sa nakasarado mong mga mata
tumahimik ang lahat.
Huminto.
Walang gumagalaw.
Gusto kong humingi ng paumanhin sa iyo
ngunit di ko alam kong paano ko sasabihin
na
patawad,
Gusto ko rin sanang pigilan ang pagbuhos ng iyong mga luha
pero di ko alam kung paano ka lalapitan,
atsaka
aakapin
patawad.
Tumingin sa mobile phone,
pinunasan ang basa mong pisngi
at ika'y tumayo.
Lumayo sa kina-uupuan mo,
isang malaking espasyo
blanko at malamig.
Nakita kitang tumawag ng taxi
At umulan.
Hinabol kita.
Humarurot na ang taxi.
Bumalik ang sigla ng kapaligiran
Naiwan ako sa labas.
Bumalik ang masasayang kantahan
Pinagmamasdan kang papalayo.
Bumalik ang ingay ng mundo
Gusto ko sanang humingi ng patawad.
Bumalik at gumagalaw na ito ng mabilis
At magpaalam.

Lumakas ang buhos ng ulan.

Thursday, May 14, 2009

Sa Aking Pagtulog

Di ka rin natutulog
alam ko ito
dahil binulong sa akin
Ng sanlibong bituin,
Na tulad ko, na ikaw din
ay nakapalumbaba at
Nag iisip
Kung paano?
Kung bakit?
At kung kailan?

Marahil na alam mo na din
Na walang sagot sa mga ito
Dahil walang ibang ibubulong
ang mga bituin kundi
Tapos na

Thursday, April 30, 2009

Kung Bakit Walang Color Ang Jellyfish

Isang mainit na katanghaliang tapat sa kalagitnaan ng dagat. Sa di kalayuang parte ng dagat sa silangan. May isang dikya na masayang palanguy-langoy, namamasyal.

Dik-ya: nuninuninu ang sarap naman lumangoy! ang lamig ng tubig dagat!

Habang busy sa pamamasyal napansin niya ang mga kulay na nasa kanyang kapaligiran, samu’t-saring kulay, piyesta sa kanyang mga murang mata. Palibhasa’y kulong sa kursillo, lumaki siyang sabik na makita ang mundo sa labas ng institusyon na kanyang kinamulatan. Siya’y nakapag babasa naman dahil tinuruan siya ni pastor Pawikan nang kagandahan ng pagbabasa ng banal na bibliya.

Dik-ya: Wow! Ang ganda nang kulay nun! Kulay-indigo! Kulay-lila! Wow! Ayun! Kulay fearsome red! Crimson yellow! Siomai white! Periwinkle green! Wow! hanep!

Dala niya’y digital camera, kinunan nang kinunan ang mga bagay at eksena na kanyang nakikita sa paligid. Mga maliliit na isdang akay-akay ng kanilang mga ina patungo sa eskuwelahan, may pagi na naglalako ng panindang tinapay, galunggong na bus driver, octopus na lawyer, mga pating na may sidewalk-clearing operation sa pook pasyalan, at mga nag gagandahang korales at halamang-dagat sa daan. Naisip niya na kunan ng litrato ang sarili upang mailagay ito sa kanyang fwendstah account.

Click!

Siya ay nagulat…

Napansin niya na wala siyang kulay. Nalungkot si Dik-ya sa kanyang nadiskubri, tila kakatwa ang kanyang itsura sa kanyang paningin. Sabi niya sa sarili na baka naman nakaligtaan lamang siyang lagyan ng kulay.

Dik-ya: baka nakalimutan lang akong lagyan ng kulay…

Naisip niyang I-text si papa God para ipaalam Dito na nakalimutan siyang lagyan ng kulay. Kaya’t kinuha niya ang kanyang cellphone…

At walang signal…

Kaya’t naghanap siya ng signal.

Ayan!

Wala pa rin signal.

Eto na, 1 bar lang. At nagsimula na siyang pumindot.

Text ni Dik-ya:
gud nun fafa God dik-ya here po yhUng nsa dagat.
NkLmutn nyo poh aqhong lhagyan ng qholor
thankz poh. tc :)

Message sent.

Pero 30 minuto ang lumipas ni wala pa rin reply si papa God. Tinext niya ulit ito, at naghintay ng ilang minuto, wala pa rin siyang natatanggap mula kay papa God.

Dik-ya: Christ! Wala bang load to’ng si papa God? Baket kaya di Siya nag re-reply? Busy? Twagan ko na nga lang.

At nag kumiriring ang telepono sa kabilang linya.

HELLO?

Dik-ya: elow po, papa God?

OH! HELLO! MAAYONG BUNTAG! WA NAKO TUBAGA ANG CP KAY SIESTA PA, UNSA MAN IMONG TOYU?

Dik-ya: ah eh kasi po nakalimutan po niyo akong lagyan ng color. Lahat po kasi ng mga nakikita ko sa paligid ko may kulay, ako po wala.

AH MAO DIAY? USA KADIYOT.. NAPUPUTOL ANG LINYA DAY…

Biglang nag disconnect :P

Dik-ya: huh?

Naghanap ulit si Dik-ya nang lugar na may magandang reception ng signal, at ito’y sa ilalim ng waiting shed na may naka-vandal sa pader na- hoy gago! bawal mag daing dito molta bogbog! by mgmt.

May biglang nag text.

“AY GI ATAY! KINSA MAN NAG INGON NIMO NGA KINAHANLAN MAY COLOR KA?! :D”

Thursday, March 05, 2009

buhangin sa dilim

di na ako makapag buntong-hininga pa
kapus na rin kasi ako sa oras
kaya't tumakbo muli ako
papalabas sa yungib nang napasukan kong pag-asa

binabalutan ako nang takot
di ko naman talaga ginustong mapuntahan ito
ngunit sa di maipaliwanag na dahilan
nakita ko na lamang ang sarili na naka kumot ng kadiliman

"tutulungan naman kita," ang sabi mo
walang nakahawak sa aking kamay nang ako'y pumasok dito
bigla ka na lamang nawala sa likod ko
marahil, ikaw ay naligaw din sa dilim

Ramdam ko ang mabatong buhangin na aking naaapakan
ang tunog ng pagkiskis ng buhangin sa aking talampakan
teka,
aking biglang napansin, sa tunog ng mga buhangin sa bawat yapak na aking naririnig
may libo-libong tumatakbo sa loob ng yungib na 'to
ngunit sa'n kami pupunta?
minsan, kahit naririnig mo lang,

kahit wala kayong direksiyong pupuntahan
masarap isipi'ng may kasama ka'ng tumatakbo sa dilim.