Sunday, February 01, 2009

Ang langit ko'y ikaw sinta.

I remember when i was a child how i would react to beauty. I would stare at it for hours, unmindful of the world around me, my attention enveloped by a cloud of silence, the world outside would seem too far away. I see beauty almost from everything. From a sewage canal a few blocks away from where we lived-which is teeming with waste, plastic bags from nowhere, and unrecognizable dead creatures from the underworld which somehow manages to crossed our world- to smog-filled air that caused my three month weekend trip to a nearby clinic for a shot due to childhood asthma. The world is surrounded with beautiful things. My world is surrounded with beautiful things.
Beauty is everywhere. May 16, 1988 my lolo brought me to our province. In Bicol, he has a modest rice field which sits at the feet of a mountain. The fields would burst into golden hues during a perfect summer afternoon. The mountain has indescribable beauty, it stand there, not far away from the edge of dancing shades of gold. It seems like it's guarding a sea of rice fields. For hours i was staring at the majesty of the mountain in front of me, under a nipa roof, on a peaceful summer afternoon, soft summer breeze which smells like fresh leaves touching my face. Everything is in silence, the world seem contained on that moment when suddenly I heard a faint echo calling my name. I only caught a few words he was saying, "kanina pa kami nag-uusap dito, ang tagal mo nang naka upo diyan di ka man lang mag salita, baka mapanis laway mo niyan."
"Beauty is in the eyes of the beholder." What is beauty? or beautiful? dictionary.com defines it as, the quality present in a thing or person that gives intense pleasure or deep satisfaction to the mind, whether arising from sensory manifestations (as shape, color, sound, etc.), a meaningful design or pattern, or something else (as a personality in which high spiritual qualities are manifest). A thing or person that gives intense pleasure or deep satisfaction to the mind, but the mind can be deceived. Is beauty comparable to morals? which society/environment may dictate or suggest? I see beauty on how the government is running the country, how this government staged performances to elude people's attention on reality. Much like watching an Illusionist perform, after the show people will applaud and walked out the theater having no idea what just happened. The idea of being entertained by a beautiful display of hope would be enough for them. And hope will never be given, it will only be shown to you at cinemas and television shows.
I can see beauty in all faces of society- the poor, the rich, and the unclassified. I see beauty in a plastic waste bag loosely floating at the bay of pier 11 in Tondo. Beauty is everywhere if you will just look closely. I see beauty in your eyes. In your smile, in the way you talk, smirk and laugh. I see beauty in the way you read and write. No, I'm not flirting with you, I'm just acknowledging your beauty.

Tuesday, January 20, 2009

Awit Patungo Sa Landas Ng Sagada



Busog ang puso sa kaluwalhatian
Naka ngiting langit na abot-kamay lamang
ang tabing nang hamog mo'ng dumadampi sa aking pisngi
ay saya sa kalul'wang may poot at galit

Saan pa ba tutungo kundi sa duyan nang iyong pagmamahal
saan pa ba mapupunta kundi sa lamig ng iyong halina
saan pa ba kundi sa amuy nang iyong mga mababango'ng dahon
saan pa ba kundi sa halik ng iyong matamis na init nang sinisiga mong punong kahoy
saan pa ba kundi sa cordillera
saan pa ba kundi sa sagada

kung hakayatin mo't muling magbalik
di magdadal'wang isip itong aking daigdig
hakayatin mo akong muling puntahan ang iyong mga bukid
ang matayog mong talon, yungib at batis

magtutungo sa iyo nang buong kagalakan
bukas ang puso at ang isipan
sa mga ipakikitang kayumihan
sa mga tao'ng may linis ang kalooban

Hayaang ang munting awit kong ito'y maglakad patungo sa iyo
hayaang ito'y lumipad, lumangoy't maglakbay
tulad nang aking naranasan nuong nasa piling mo
ako ri'y nakalakbay, nakalangoy't nakalipad

Salamat mahal kong Sagada
salamat sa mga ganda na iyong ipinarinig
hanggang sa muling mata ko'y mamasdan ka
At muling makahimbing sa sinapupunan nang iyong matamis na awit

Sunday, November 30, 2008

Madilim na.

Ika-tatlumpu nang Nobyembre, taong dalawan'libo at walo, limang minuto bago mag alas-onse nang gabi. Pinabayaan ko ng makahiga ang aking sarili pagkatapos ng aking pagbabasa nang aklat ni Agoncillo na tungkol sa kasaysayan ng aking mga ninuno. Di dalawin ng antok, mundo ko'y tila mabilis na paikot-ikot sa mga eksenang nabubuo ng malikot kong imahinasyon. Isang kuwento ang pilit na gustong kumawala sa madilim at malalim na balon ng aking mga napagtanto.
Ngunit, madilim na.

Friday, October 31, 2008

These are certain signs to know

Funny signs across the internet...
In other words, walang maisip na masulat.

tawa na lang tayo.






Wednesday, September 10, 2008

Brian Cox talks about The Large Hadron Collider



"Rock star Physicist" Brian Cox talks about his work on the Large Hadron Collider and the vital role it's going to play in understanding our universe.

*video from TEDtalks. visit TEDblog

Sunday, August 17, 2008

Kasaysay: The Story Of The Filipino People

Kasaysay: The story of the Filipino people Kasaysay: The story of the Filipino people by Dante Ambrosio


My review


rating: 5 of 5 stars
A very good pictorial book that shares richness of culture and history of the Filipinos. It was refreshing to see pictures of old manila and its nearby provinces, the people during those era, 19th century photos of streets and churches in the Philippines. But most importantly, the book focused more on the condition of filipinos during spanish and american occupation on the islands. The pictures are very helpful in presenting each period in philippine history, powerful images that each filipinos will find themselves connected to.


View all my reviews.

Sunday, August 10, 2008

Walang Hanggang Paghahanap

Habang papauwi galing sa isang madugong gabi nang pakikipag kuwentuhan sa mga kaibigan, napag isip-isip ni Fredo kung lahat-lahat nang istudyanteng nag susunog nang kilay nila sa mga pamantasan upang makapasa nang kursong nursing ay hangad na mangibang bansa upang mabigyan nang magandang buhay ang kanilang mga magulang, pamilya, o tunay nga kayang lahat sila ay nangangarap, sapul nung pagkabata, na maging dakilang tagapag-lingkod sa mga taong may-sakit, sugatan at may dinaraing na karamdaman.

Lumiko na ang taxi na kanyang sinasakyan sa Sgt. Rivera avenue patungong Kalookan galing Quezon avenue, maluwag na ang daan, sarado ang tindahan na katabi nang isang gasolinahan na maliwanag pa at ang mga inaantok sa gabi-gabing puyatan na mga gasoline boy na naghihintay ng mga sasakyang uhaw na sa biyahe. Napansin niyang walang bituin sa langit maski ang buwan ay ilap na padungaw-dungaw sa daraanang malapad na aspaltong lubak, ngunit pinapanatiling maiayos dahil kapansin-pansin ang mga karatula nang gobyerno na nagsasabing proyekto nila ito. Teka, kanya tuloy naitanong sa sarili, tatlong buwan na itong ginagawa ah, aabutan na nga nang tag-ulan di pa rin tapos.

"Boss, dagdagan niyo na lang po ako ah. Wala po kasing pasahero sa lugar niyo pabalik." sabi nang drayber ng taxi.

Inilipat nang drayber ang istasyon nang radyo. Kanta ni Freddie Aguilar, Ipaglalaban ko. Nilakasan nang drayber nang konti ang volume. Napansin ni Fredo ang oras, mag aalas-tres na nang madaling araw. Tulala sa aspaltong kalyeng nasisinagan nang headlights, bukas-sarado ang isip niya sa bawat street lamp post na kanilang dinaraanan. Tila may tumawid sa kanyang diwa, bakit ang mga illegal taiwanese immigrants ay pilit nagsusumiksik sa bansang ito upang mag negosyo? Habang tayo nama'y nagkakandakuba sa pagsisi-ayos nang mga papeles, nagkaka-ugat na sa pagpila sa mga embassy, paghahanap nang magandang agency, paghahanap nang gagamiting pera pang placement fee, at paghahanap nang mga visa requirements, at paghahanap nang damit-panlamig na dadalhin, at paghahanap nang mga kailangang hanapin. Wala na yatang katapusan. At anu pag narating na ang bansang tutuluyan at magiging sagot sa kahirapan? Magkakandakuba ulet sa trabaho, magkaka-ugat ulet sa paghahanap nang matitirhan, maghahanap nang mga kababayang makakarama'y sa bansang di kilala, maghahanap nang kababayang makaka-usap, maghahanap ulet nang kapwa pilipinong kuba na't may ugat, ngunit patuloy pa rin sa paghahanap nang kaginhawaang matagal nang pinagta-trabahuhan. Paghahanap sa sarili sa bansang pilit kinikilala. Walang hanggang paghahanap.

At ang mga illegal Taiwanese, Indian, Korean, Chinese, American, European immigrants sa bansa? Magkakandakuba din ba sila? O sila'y uugat sa bansa upang mag tayo nang mga malalaking planta at maghahanap nang mga pilipinong di pa umaalis nang Pilipinas upang kanilang maging co-partner, vice president, manager, department head, supervisor, laborer. Tuloy, naitanong ni fredo sa sarili, anu nga ba ko sa bansang to? dito ako pinanganak, oo, ngunit anu ba ang Pilipino sa bansang Pilipinas? Ah! ang paghahanap sa pagiging Pilipino. Dadaanan na nila ang Monumento circle ni Bonifacio, matayog ang rebulto, may ningning ang mga mata nang mga estatuwa. Nakaramdam si Fredo nang init sa kanyang lalamunan, gumuguhit pababa sa kanyang dibdib, sumusunog sa kanyang puso. Nililingon, at di niya tinitigilan nang tingin ang monumento hanggang sa maglaho na ito sa kanyang tanaw. Marahil, duon lang niya naramdaman ang kanyang buong pagka-Pilipino.

"Boss, saan po tayo liliko?" tanong nang drayber.

Tulala sa aspaltong kalyeng nasisinagan nang headlights, bukas-sarado ang isip niya sa bawat street lamp post na kanilang dinaraanan. Hinahanap ang sarili sa mga saradong tindahan, sa mga taong natutulog sa bangketa, sa lamig nang aircon ng taxi. Nagtatanong sa sarili, mag re-review ba ako para sa board? Baka late na naman yung duty mate ko. Nami-miss ko na si Dra. Santos.


"Boss, saan po tayo liliko?" tanong ulet nang drayber.

Tuesday, July 01, 2008

Tatlong Tula Ni Amado V. Hernandez



Ang Uod

Sa lagas na dahong nasabit sa tinik
sumilang ang isang uod na maliit,
ang pinakaduya’y supot na manipis,
na uugoy-ugoy sa hanging malamig
sa bahay na yaong ulila’t mapait,
ang uod na munti’y natutuong magtiis.

Sa buntung-hininga ng katag-arawan,
ang dahong may sapot ay biglang nabuksan;
ang kawawang uod, ng aking matanaw,
ay wala ni mata, ni bibig, ni kamay
ang mahina’t malambot na kanyang katawan
at pausad-usad lamang kung gumalaw.

Mula sa ibaba ng punong mataas,
siya’y gumagapang, marahan, paakyat;
kung minsa’y halos ay malaglag;
nuni’t ang umaga, noong namumukadkad;
siya’y nasa ubod ng isang bulaklak.

Ang tao’y tila uod ding maliit,
sumilang sa isang ulilang daigdig;
kahit walang pakpak, kahit walang bagwis,
kanyang mararating kahit himpapawid
kung siya’y marunong gumawa’t magtiis…
walang karagatang hindi matatawid!


Inang Wika

Ako’y ikakasal..
ang aming tahana’y
masayang katulad ng parol king pisata, magara’t makulay;
kangina pa’y walang patlang ang tugtugan,
agos ang regalo’t buhos ang inuman;
ang aking magiging kabiyak ng buhay
isang kanluraning mutyang paraluman:
marilag, marangya, balita, mayaman,
sadyang pulotgata sa bibig ng isang mundong kaibigan.
Sa tanging sasakyan
nang kami’y lumulan,
may natanaw ako sa tapat ng bahay
na isang matandang babaing luhaan;
subali’t sa gitna ng kaligayahan,
sa harap ng aking gintong kapalaran,
siya ay hindi ko binati man lamang
at hindi ko siya pinansin man lamang,
tuluy-tuloy kami sa nagagayakang simbahan sa bayan.
Kapwa maligayang nagsiluhod kapwa
sa paa ng altar, sa pilak at gintong masamyong dambana:
pagkasaya-saya’t ang mga kampana
ay nagtitimpalak sa pagbabalita
ng aming kasalang lubhang maharlika:
datapwa,
ang larawang buhay ng kaawa-awa
--ang matandang yaon—wari’y nakalimbag sa mata ko’t diwa;
at ang tumutulong luha ng kandila
tila ang kanya ring masaklap na luha;
gayon man, sa piling ng kahanga-hanga
at sakdal ng gandang kaisangpuso ko’y niwalangbahala
ang pagkabalisa, at ang aking budhi’y dagling pinayapa.
Natapos ang kasal…
maligayang bati, birong maaanghang
at saboy ng bigas ang tinanggap namin pagbaba sa altar;
nang mga sandaling pasakay na kami sa aming sasakyan
ay may alingasngas akong napakinggan…
at aking natanaw;
yaon ding matanda ang ligid ng taong hindi magkamayaw;
ako’y itinulak ng hiwagang lakas na di mapigilan
at siya’y patakbong aking nilapitan;
nang kandungin ko na sa aking kandungan,
sa mata’y napahid ang lahat ng luha, dusa’t kalungkutan,
masuyong nangiti’t maamong tinuran:
“Bunso ko, paalam,
ako ang ina mong sawing kapalaran…”
at ang kulampalad ay napalungayngay,
at nang aking hagkan
ay wala nang buhay.
sa nanginginig kong bisig din namatay!
Siya’y niyakap ko nang napakatagal:
Inang! inang! inang!
Ayaw nang balikan
ng tibok ang pusong sa hirap nawindang,
kahi’t dinilig ko ng saganang luha ang kawawang bangkay.

Noon ko natantong ang ina kong mahal,
ang Inangwika kong sa aki’y nagbigay
ng lahat kong muni, pangarap at dangal,
subali’t tinikis sa gitna ng aking ginhawa’t tagumpay
at mandi’y pulubing lumaboy sa labis na karalitaan,
namatay sa kanyang dalamhating taglay
nang ako’y sa ibang mapalad magmahal,
nang ako’y … tuluyang pakasal
sa Wikang Dayuhan!


Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan

Lumuha ka, aking Bayan: buong lungkot mong iluha
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika;
ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,
labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila.

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,
sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan;
katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,
kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
lumuha nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,
may araw ding di na luha sa mata mong namumugto
ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
samantalang and dugo mo ay aserong kumukulo;
sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punlo!

Maraming salamat mula sa pinaghugutan ko nang mga tula sinagbayan.multiply.com
Salamat din sa imahe mula sa globalpinoy.com

Thursday, June 19, 2008

Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa




Pag-ibig Sa Tinubuang Lupa
Tula Ni Andres Bonifacio


Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagka-dakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa-ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
waring masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilant sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)
ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap)
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit)
ito’y kapalaran at tunay na langit.



--Maraming salamat sa kopya nang tula na mula sa www.elaput.org
--Maraming salamat din sa imahe na mula naman sa www.pinoyphotography.org

Saturday, May 31, 2008

LSS (Last Song Syndrome)

SONG: THE FIRST SINGLE
ARTIST: THE FORMAT


INTRO:

e|---0---0---0---0---0---0---0---0---0---0---4---0---0---0-4-2---------------|
B|-4---4---5---5---4---4---5---5---2---0---2---0---5---5-------4-5-----------|
G|---------------------------------------------------------------------------|
D|---------------------------------------------------------------------------|
A|---------------------------------------------------------------------------|
E|---------------------------------------------------------------------------|

VERSE 1:


E C#m A B

e|--0----0----0----2----|
B|--0----5----2----4----|
G|--1----6----2----4----|
D|--2----6----2----4----|
A|--2----4----0----2----|
E|----------------------|


E C#m A E

(Intro) I can't stand to think about a heart so big it hurts like hell

C#m A E

Oh my God I gave my best but for three whole years to end like this

C#m A E C#m A E

Do you want to fall apart, I can't stop if you can't start

C#m A E C#m B A

Do you want to fall apart, well I could if you can try to fix what I've undone,

E

Cause I hate what I've become


CHORUS:


E B

You know me, or you think you do, you just don't seem to see,

A C#m B

I've been waiting, all this time to be, somethin I can't define

E B A

So let's cause a scene, clap our hands and stomp our feet or somethin,

C#m B

Yea somethin, I just gotta get myself over me


(Intro is played all throughout the second verse, too.)

VERSE 2 (lyrics at the bottom) is the same as verse 1.



CHORUS



BRIDGE: Just repeat this little riff for the whole bridge.


e|-7-----------7-------------------------------------------------------------|
B|----5--7--5-----5--7--5----------------------------------------------------|
G|---------------------------------------------------------------------------|
D|---------------------------------------------------------------------------|
A|---------------------------------------------------------------------------|
E|---------------------------------------------------------------------------|


After that, he just goes into the chorus again, and then that's it.
===============================================================================


*courtesy of ultimateguitar.com

Tuesday, April 29, 2008

Ubuntu 8.04 luvbot



Waiting game is over. Ubuntu releases Hardy Heron 8.04 last April 24, just when I had received my copy of Ubuntu 7.10 this month!!!
Well, what can I say?! Get your COPY now!


Ubuntu 8.04 can be downloaded or ordered at Ubuntu.com

*image courtesy of lifehacker.com.au

Monday, March 24, 2008

Pangea Day -May 10, 2008



An event one shouldn't missed. An opportunity of seeing the world in the eyes of another. A revitalizing force that could change our perception, understanding, and valuation on the world we are living, on the lives we are reaching, and on the people, culture and religion we are condemning, discriminating and prosecuting.
I hope that this event will spark the change we are all looking for to put a stop to war and violence swarming around the globe. To put an end to meaningless conflicts and to open our minds to possibilities of living in a world free of guns, bullets, bombs and heavy artilleries. Free of people, culture and religion endlessly fighting one another. To make us understand the suffering our neighbors are living with. I hope that this event will shake us, awaken our senses, to move us closer to one another, supporting one another as one global community in respect with each other's culture, religion, sexual orientation and political beliefs.
I invite you all to join Pangea Day visit pangeaday.org
I'll be there on May 10, 2008 -Pangea day-

Thursday, March 06, 2008

Bitchin' zio


Bitching Bob/Betty is the slang term some pilots and crew (mainly North American) use when referring to the voice used on some on board aircraft systems which provide audible spoken warnings.-wikipedia.org
Some sample warnings from GPWS and EGPWS/TAWS and warnings from TCAS were used..
Just for the sake of fun.
Here's my Bitchin' zio!




when listening to spellingcontest: "WHOOP WHOOP! Pull Up!"

when listening to Infidels: "Don't Sink!"

when playing poker: "Clear of Conflict"

when having a hot conversation: "Windshear, Windshear, Windshear!" "Don't Sink!"

when talking to a fellow zio: "Increase Climb, Increase Climb"

when having a drink with a fellow zio: "Altitude, Altitude"

when waiting for a fellow zio: "Maintain Vertical Speed, Maintain"

To all fellow zio: "Climb, Climb NOW -- Climb, Climb NOW"