Thursday, September 01, 2011

same shit, different day

napadaan ako minsan sa may karuhatan.
duon,
naalala ko yung
kanta
o kuwento ba yun?
tungkol sa mga tae ng aso
sa kalye
na
parang
landmine
na iniiwasan mo
kapag ka
papasok ka na sa trabaho
sa umaga

marami pa ring
ta
e
ang nakakalat sa daan
alam mo,
marami pa ring
t
a
e
ang kailangang iwasan sa
araw-araw
pero
minsan makakaapak
ka talaga
ng isa.
Published with Blogger-droid v1.7.2

Monday, August 15, 2011

emotional garbage no. 2

"siguro... iibigin mo rin akong muli."
"tangina," sabi ko, "minahal na kita. anu pa bang gusto mo? wasakin ako?"
"Oo. Nais kong wasakin ka."
"Tama," sabi ko. "Yan din ang gusto ko."
Published with Blogger-droid v1.7.2

Monday, August 08, 2011

Thursday, June 16, 2011

bombs

We are bombarded everyday by advertisements that warn us that if we don't have such product or we don't own such brand, our value ang importance consequently diminish. -fight club, Chuck Palahniuk
Published with Blogger-droid v1.7.1

Monday, April 25, 2011

huwag

huwag kang magsusulat
habang lumuluha
papangit ang salita
lalamya ang linya

huwag kang magsusulat kung
may narramdamang kirot
gagagaan ang sukat
hihina ang pundasyon

huwag kang magsusulat kung
may pait sa dibdib
kung maaari
ikulong ang nararamdaman
huwag kang tanga
'wag mong ipakita
na marupok
ka.

tumigil na kapag
dumudugo na ang mga daliri
sa kamay
tumigil na kapag hindi na
kayang akuin ng keyboard
ang bigat ng tipa

teka
hindi ako manunulat.
at hindi
ako mahilig sumulat
ng mga
ganito
nagmumukha akong
gago
at baka may makabasa
nito.