Tuesday, January 20, 2009
Awit Patungo Sa Landas Ng Sagada
Busog ang puso sa kaluwalhatian
Naka ngiting langit na abot-kamay lamang
ang tabing nang hamog mo'ng dumadampi sa aking pisngi
ay saya sa kalul'wang may poot at galit
Saan pa ba tutungo kundi sa duyan nang iyong pagmamahal
saan pa ba mapupunta kundi sa lamig ng iyong halina
saan pa ba kundi sa amuy nang iyong mga mababango'ng dahon
saan pa ba kundi sa halik ng iyong matamis na init nang sinisiga mong punong kahoy
saan pa ba kundi sa cordillera
saan pa ba kundi sa sagada
kung hakayatin mo't muling magbalik
di magdadal'wang isip itong aking daigdig
hakayatin mo akong muling puntahan ang iyong mga bukid
ang matayog mong talon, yungib at batis
magtutungo sa iyo nang buong kagalakan
bukas ang puso at ang isipan
sa mga ipakikitang kayumihan
sa mga tao'ng may linis ang kalooban
Hayaang ang munting awit kong ito'y maglakad patungo sa iyo
hayaang ito'y lumipad, lumangoy't maglakbay
tulad nang aking naranasan nuong nasa piling mo
ako ri'y nakalakbay, nakalangoy't nakalipad
Salamat mahal kong Sagada
salamat sa mga ganda na iyong ipinarinig
hanggang sa muling mata ko'y mamasdan ka
At muling makahimbing sa sinapupunan nang iyong matamis na awit
Subscribe to:
Posts (Atom)