Wednesday, September 30, 2009
Monday, August 31, 2009
Post One
Ika-tatlumpu nang Nobyembre, taong dalawan' libo at walo....
at walang pinagka-iba ang agosto.
at walang pinagka-iba ang agosto.
Friday, July 31, 2009
Saturday, June 13, 2009
Ambusabos (Heavy Rain)
Nakita kitang nakapikit,
humahanga sa iyong ganda.
Nakatunganga habang lahat ay masaya.
Kumakanta
Nang may biglang may luhang tumulo
sa nakasarado mong mga mata
tumahimik ang lahat.
Huminto.
Walang gumagalaw.
Gusto kong humingi ng paumanhin sa iyo
ngunit di ko alam kong paano ko sasabihin
na
patawad,
Gusto ko rin sanang pigilan ang pagbuhos ng iyong mga luha
pero di ko alam kung paano ka lalapitan,
atsaka
aakapin
patawad.
Tumingin sa mobile phone,
pinunasan ang basa mong pisngi
at ika'y tumayo.
Lumayo sa kina-uupuan mo,
isang malaking espasyo
blanko at malamig.
Nakita kitang tumawag ng taxi
At umulan.
Hinabol kita.
Humarurot na ang taxi.
Bumalik ang sigla ng kapaligiran
Naiwan ako sa labas.
Bumalik ang masasayang kantahan
Pinagmamasdan kang papalayo.
Bumalik ang ingay ng mundo
Gusto ko sanang humingi ng patawad.
Bumalik at gumagalaw na ito ng mabilis
At magpaalam.
Lumakas ang buhos ng ulan.

Thursday, May 14, 2009
Sa Aking Pagtulog
Di ka rin natutulog
alam ko ito
dahil binulong sa akin
Ng sanlibong bituin,
Na tulad ko, na ikaw din
ay nakapalumbaba at
Nag iisip
Kung paano?
Kung bakit?
At kung kailan?
Marahil na alam mo na din
Na walang sagot sa mga ito
Dahil walang ibang ibubulong
ang mga bituin kundi
Tapos na
alam ko ito
dahil binulong sa akin
Ng sanlibong bituin,
Na tulad ko, na ikaw din
ay nakapalumbaba at
Nag iisip
Kung paano?
Kung bakit?
At kung kailan?
Marahil na alam mo na din
Na walang sagot sa mga ito
Dahil walang ibang ibubulong
ang mga bituin kundi
Tapos na
Thursday, April 30, 2009
Kung Bakit Walang Color Ang Jellyfish
Isang mainit na katanghaliang tapat sa kalagitnaan ng dagat. Sa di kalayuang parte ng dagat sa silangan. May isang dikya na masayang palanguy-langoy, namamasyal.
Dik-ya: nuninuninu ang sarap naman lumangoy! ang lamig ng tubig dagat!
Habang busy sa pamamasyal napansin niya ang mga kulay na nasa kanyang kapaligiran, samu’t-saring kulay, piyesta sa kanyang mga murang mata. Palibhasa’y kulong sa kursillo, lumaki siyang sabik na makita ang mundo sa labas ng institusyon na kanyang kinamulatan. Siya’y nakapag babasa naman dahil tinuruan siya ni pastor Pawikan nang kagandahan ng pagbabasa ng banal na bibliya.
Dik-ya: Wow! Ang ganda nang kulay nun! Kulay-indigo! Kulay-lila! Wow! Ayun! Kulay fearsome red! Crimson yellow! Siomai white! Periwinkle green! Wow! hanep!
Dala niya’y digital camera, kinunan nang kinunan ang mga bagay at eksena na kanyang nakikita sa paligid. Mga maliliit na isdang akay-akay ng kanilang mga ina patungo sa eskuwelahan, may pagi na naglalako ng panindang tinapay, galunggong na bus driver, octopus na lawyer, mga pating na may sidewalk-clearing operation sa pook pasyalan, at mga nag gagandahang korales at halamang-dagat sa daan. Naisip niya na kunan ng litrato ang sarili upang mailagay ito sa kanyang fwendstah account.
Click!
Siya ay nagulat…
Napansin niya na wala siyang kulay. Nalungkot si Dik-ya sa kanyang nadiskubri, tila kakatwa ang kanyang itsura sa kanyang paningin. Sabi niya sa sarili na baka naman nakaligtaan lamang siyang lagyan ng kulay.
Dik-ya: baka nakalimutan lang akong lagyan ng kulay…
Naisip niyang I-text si papa God para ipaalam Dito na nakalimutan siyang lagyan ng kulay. Kaya’t kinuha niya ang kanyang cellphone…
At walang signal…
Kaya’t naghanap siya ng signal.
Ayan!
Wala pa rin signal.
Eto na, 1 bar lang. At nagsimula na siyang pumindot.
Text ni Dik-ya:
gud nun fafa God dik-ya here po yhUng nsa dagat.
NkLmutn nyo poh aqhong lhagyan ng qholor
thankz poh. tc :)
Message sent.
Pero 30 minuto ang lumipas ni wala pa rin reply si papa God. Tinext niya ulit ito, at naghintay ng ilang minuto, wala pa rin siyang natatanggap mula kay papa God.
Dik-ya: Christ! Wala bang load to’ng si papa God? Baket kaya di Siya nag re-reply? Busy? Twagan ko na nga lang.
At nag kumiriring ang telepono sa kabilang linya.
HELLO?
Dik-ya: elow po, papa God?
OH! HELLO! MAAYONG BUNTAG! WA NAKO TUBAGA ANG CP KAY SIESTA PA, UNSA MAN IMONG TOYU?
Dik-ya: ah eh kasi po nakalimutan po niyo akong lagyan ng color. Lahat po kasi ng mga nakikita ko sa paligid ko may kulay, ako po wala.
AH MAO DIAY? USA KADIYOT.. NAPUPUTOL ANG LINYA DAY…
Biglang nag disconnect :P
Dik-ya: huh?
Naghanap ulit si Dik-ya nang lugar na may magandang reception ng signal, at ito’y sa ilalim ng waiting shed na may naka-vandal sa pader na- hoy gago! bawal mag daing dito molta bogbog! by mgmt.
May biglang nag text.
“AY GI ATAY! KINSA MAN NAG INGON NIMO NGA KINAHANLAN MAY COLOR KA?! :D”

Thursday, March 26, 2009
Thursday, March 05, 2009
buhangin sa dilim
di na ako makapag buntong-hininga pa
kapus na rin kasi ako sa oras
kaya't tumakbo muli ako
papalabas sa yungib nang napasukan kong pag-asa
binabalutan ako nang takot
di ko naman talaga ginustong mapuntahan ito
ngunit sa di maipaliwanag na dahilan
nakita ko na lamang ang sarili na naka kumot ng kadiliman
"tutulungan naman kita," ang sabi mo
walang nakahawak sa aking kamay nang ako'y pumasok dito
bigla ka na lamang nawala sa likod ko
marahil, ikaw ay naligaw din sa dilim
Ramdam ko ang mabatong buhangin na aking naaapakan
ang tunog ng pagkiskis ng buhangin sa aking talampakan
teka,
aking biglang napansin, sa tunog ng mga buhangin sa bawat yapak na aking naririnig
may libo-libong tumatakbo sa loob ng yungib na 'to
ngunit sa'n kami pupunta?
minsan, kahit naririnig mo lang,
kahit wala kayong direksiyong pupuntahan
masarap isipi'ng may kasama ka'ng tumatakbo sa dilim.

Sunday, February 01, 2009
Ang langit ko'y ikaw sinta.
I remember when i was a child how i would react to beauty. I would stare at it for hours, unmindful of the world around me, my attention enveloped by a cloud of silence, the world outside would seem too far away. I see beauty almost from everything. From a sewage canal a few blocks away from where we lived-which is teeming with waste, plastic bags from nowhere, and unrecognizable dead creatures from the underworld which somehow manages to crossed our world- to smog-filled air that caused my three month weekend trip to a nearby clinic for a shot due to childhood asthma. The world is surrounded with beautiful things. My world is surrounded with beautiful things.
Beauty is everywhere. May 16, 1988 my lolo brought me to our province. In Bicol, he has a modest rice field which sits at the feet of a mountain. The fields would burst into golden hues during a perfect summer afternoon. The mountain has indescribable beauty, it stand there, not far away from the edge of dancing shades of gold. It seems like it's guarding a sea of rice fields. For hours i was staring at the majesty of the mountain in front of me, under a nipa roof, on a peaceful summer afternoon, soft summer breeze which smells like fresh leaves touching my face. Everything is in silence, the world seem contained on that moment when suddenly I heard a faint echo calling my name. I only caught a few words he was saying, "kanina pa kami nag-uusap dito, ang tagal mo nang naka upo diyan di ka man lang mag salita, baka mapanis laway mo niyan."
"Beauty is in the eyes of the beholder." What is beauty? or beautiful? dictionary.com defines it as, the quality present in a thing or person that gives intense pleasure or deep satisfaction to the mind, whether arising from sensory manifestations (as shape, color, sound, etc.), a meaningful design or pattern, or something else (as a personality in which high spiritual qualities are manifest). A thing or person that gives intense pleasure or deep satisfaction to the mind, but the mind can be deceived. Is beauty comparable to morals? which society/environment may dictate or suggest? I see beauty on how the government is running the country, how this government staged performances to elude people's attention on reality. Much like watching an Illusionist perform, after the show people will applaud and walked out the theater having no idea what just happened. The idea of being entertained by a beautiful display of hope would be enough for them. And hope will never be given, it will only be shown to you at cinemas and television shows.
I can see beauty in all faces of society- the poor, the rich, and the unclassified. I see beauty in a plastic waste bag loosely floating at the bay of pier 11 in Tondo. Beauty is everywhere if you will just look closely. I see beauty in your eyes. In your smile, in the way you talk, smirk and laugh. I see beauty in the way you read and write. No, I'm not flirting with you, I'm just acknowledging your beauty.

Tuesday, January 20, 2009
Awit Patungo Sa Landas Ng Sagada
Busog ang puso sa kaluwalhatian
Naka ngiting langit na abot-kamay lamang
ang tabing nang hamog mo'ng dumadampi sa aking pisngi
ay saya sa kalul'wang may poot at galit
Saan pa ba tutungo kundi sa duyan nang iyong pagmamahal
saan pa ba mapupunta kundi sa lamig ng iyong halina
saan pa ba kundi sa amuy nang iyong mga mababango'ng dahon
saan pa ba kundi sa halik ng iyong matamis na init nang sinisiga mong punong kahoy
saan pa ba kundi sa cordillera
saan pa ba kundi sa sagada
kung hakayatin mo't muling magbalik
di magdadal'wang isip itong aking daigdig
hakayatin mo akong muling puntahan ang iyong mga bukid
ang matayog mong talon, yungib at batis
magtutungo sa iyo nang buong kagalakan
bukas ang puso at ang isipan
sa mga ipakikitang kayumihan
sa mga tao'ng may linis ang kalooban
Hayaang ang munting awit kong ito'y maglakad patungo sa iyo
hayaang ito'y lumipad, lumangoy't maglakbay
tulad nang aking naranasan nuong nasa piling mo
ako ri'y nakalakbay, nakalangoy't nakalipad
Salamat mahal kong Sagada
salamat sa mga ganda na iyong ipinarinig
hanggang sa muling mata ko'y mamasdan ka
At muling makahimbing sa sinapupunan nang iyong matamis na awit
Subscribe to:
Posts (Atom)