Ika-tatlumpu nang Nobyembre, taong dalawan'libo at walo, limang minuto bago mag alas-onse nang gabi. Pinabayaan ko ng makahiga ang aking sarili pagkatapos ng aking pagbabasa nang aklat ni Agoncillo na tungkol sa kasaysayan ng aking mga ninuno. Di dalawin ng antok, mundo ko'y tila mabilis na paikot-ikot sa mga eksenang nabubuo ng malikot kong imahinasyon. Isang kuwento ang pilit na gustong kumawala sa madilim at malalim na balon ng aking mga napagtanto.
Ngunit, madilim na.