Tuesday, November 22, 2005

this thing about magic

Just recently someone texted me.. yung fucking lesbo! sabi ko:


tangina mo!



hehehehe!!! hindi naman ako mganun kabastos kase hindi naman bastos yung message niya, sabi lang niya na alam niya yung story namin, she's apologizing daw for everything, sabi ko:

okay lang yun.. you can suck mine though

hahahaha!!! hindi naman.. pero something to that effect, nakalimutan ko na yung sinabi ko pero pag wala kang tulog at may nag text sayo nang ganun, tendency is, mapapatay mo yung sender in a single text message.

Okay na ba? I think okay nako. I'm just waiting for something right now, everything seems in a haze, pero ok na. sabi nga, "What doesn't kill you makes you stronger."

What's with the title? Magic. Nine years is a magic... yun lang! walang clue!

***

nagbababad sa kahihintay
inaabangan na makasabay
kapiling tuwina
kahit sa isip lamang
di magsasawa ang puso
sa pagbibilang sa atin

bitin ang galaw
gustong sumigaw
ang problema ko'y ikaw
di makagalaw
ako'y hihiyaw
ang problema ko'y ikaw

Problema ko'y ikaw -Spelling Contest

Friday, November 18, 2005

Sharp Disaster

i would really love to write things that would make me happy right now, pero, overpowering yung emotions ko ngayon na hindi ko mapigilang umiyak while i am writing this post.

At first, akala ko okay nako, okay na lahat sa amin at naghihintay na lang kame ng time. Then suddenly may text akong nabasa sa cel nya.

"baby, pakakasalan kita."

Tangina! ANG SAKET!

halos lahat ng memories na naipon ko together with her through the years ay unti-unting nawawala. for nine years, halos walang makaka-isip na magkakaganun pa. bumabalik lahat nung time na you're both fighting for something beautiful, something na mag la-last forever. pakiramdam ko tuloy, hindi siya naging masaya sa mga taon na naging kame. halos di ako makahinga nung nabasa ko yun, namanhid ang buong katawan ko, parang gusto kong ibalik yung time na magiging magkakilala pa lang kame at putulin na duon yung memories ko. lahat ng naipon naming pictures eh nasa akin pa, lahat ng notes tsaka mga other things na naibigay nung mga years na hindi pa uso ang text messaging at blogging, hindi ko na alam kung anu pang gagawin ko sa mga yun. hindi ko na rin alam kung paano ulit mag start, yung mag-uumpisa ulit buuin yung sarili pagkatapos kang mabasag. kung paano ka ulit matutulog na hindi siya yung iniisip mo, kung paano ka iiyak nang hindi siya ang laman ng mga luha mo. paano ka babalik nine years ago nung hindi pa kayo magkakilala para unti-unting mabura sya sa isip mo, kase hindi mo kayang mag move forward dahil wala ka nang kamay na hahawakan pa para sumulong. paano mo bubuuin yung buhay mo nine years ago na hindi siya kasama. hindi lahat ng masaya natatapos ng maganda.

marami akong balak gawin, pero parang wala na yung push ko, yung driving force ko. kahit gaano kasakit kelangan tanggapin dahil yun lang ang alam kong dapat una kong gawin. tanggapin na wala na.


***


para lalong masakit, kanta nya to para sa akin nuon...


There are places I remember all my life,
Though some have changed
Some forever, not for better
Some have gone and some remain.
All these places have their moments
Of lovers and friends I still can recall
Some are dead and some are living
In my life I loved them all.

And with all these friends and lovers
There is no one compares with you
And these mem'ries lose their meaning
When I think of love as something new
And I know I'll never lose affection
For people and things that went before
I know I'll often stop and think about them.
In my life I loved you more.

And I know I'll never lose affection
For people and things that went before
I know I'll often stop and think about them.
In my life I loved you more
In my life I loved you more

*sorry kung hindi nako makakatulog ng maayos.

Sunday, November 06, 2005

I intend to live forever. So far, so good.

Malapit na naman ang annual christmas party namin. For almost 6 years na rin kaming nagse-celebrate ng zio christmas party. 3 consecutive years yata akong absent nun, at puro batikos ang inabot ko, but last year was very different. Ginawa naming extra special last year because it's zionist's 10 year anniversary, ibig sabihin, 10 years nang naggagaguhan ang mga miyembro nito hahaha!

Zionist was supposedly 4 na member lang before, isa yata itong pangalan ng isang banda nung high school, eh since hindi sumikat yung banda sa school, at wala ni isang tugtugang natugtugan, eh yung mga member ng band ay humanap na lang ng kanilang groupie. Hanggang sa dumami na ng dumami at nakalimutan na yung banda at naging isang samahan. 2nd yaer high school ako nun nung nabalitaan ko itong grupo na to. Wala akong balak salihan, kase bawal samen nung high school sumali sa mga ganito, yung mga sumasali sa kanila ay patago lang, don't get me wrong, hindi ito isang fraternity na pag sumali ka eh kailangan ka pang paluin para magmakaawang isali.

Ang zionist ay grupo ng mga mahihilig sa music, be it jazz, rock, alternative, musicals (sa mga bading na member), pop (sa mga pink members) at kung anu-ano pang genre ng music. Dun basically nag umpisa at nakilala ang grupo. Nung high school di ko pa kilala kung sino-sino ang mga to, dahil rumors lang naman ang existence ng grupong ito nung una, hanggang sa nakasama ko ang ilan sa kanila at naging kaklase. Biglaan ang pagkakasali ko sa grupo, parang pagkagising ko ay may isang demonyo na nag guide sa akin na ito ang tamang daan. Una, sama-sama lang ako, mukhang normal naman na magkakaibigan na mahilig sa music ang mga ito, kaya napasama nako. 4th year high school na nung magsimula ang mga drinking session, halos every weekend ay may ganitong okasyon. Ang topic, MUSIC! Lahat ng bago sa rock scene, new album, new band at kung sino-sinong demonic guitar gods.

Hanggang sa nag evolve ang grupo, naging sentimental, tulad na rin ng mga songs na pinakikinggan. Naging mas transparent ang isa't-isa, na lalo namang nagpatibay sa bonding ng mga demonyitong ito. Halos lahat, kahit hindi mo naging kaklase ay naging bestfriend mo (think 1970s nung time ng mga hippie) hanggang ngayon naman ay hindi na maiaalis yung ganung bonding nyo, once nag evolve kayo sa ganun hindi na kayo pwedeng bumalik sa simula kahit matagal pa kayong hindi nagkita, the only way is to evolve uli.

Pare, nasaan na ang zionist? andyan lang yun, sa tabi-tabi, hindi mawawala.

College ako nun at nahiwalay na ang ilan sa mga miyembro, merong nangibang bansa para mag-aral at yung iba sa iba't ibang lugar na sa Pilipinas. May mga nag stay at nagpatuloy sa tradition, may mga ilan na sumusulpot at nawawala ulet. Pero kung anu pa man, alam naman nila na may babalikan sila. Ang mga naiwan, nag evolve ulet, naging mas solid ang bonding at naging mga darna(mga bading! hahahaha!)

Kaya may annual christmas party para pagsaluhan ang mga memories nang nagdaang taon, tulad ng isang lumang kanta, pag narinig mo ulet, babalikbalikan mo. After so many years, sa mga late night binges, sa race the sun experience, sa mga Prater nights, Dencios' drinking session, sa mga Bryan's house arrest, Gino's Ref raiders, Erwin's musical extravaganza, Gettin' jiggy with a punk sa Kalookan, jamming with spelling, hanging-out with the infidels, ay masasabi ko na...

no music no life!

salamat sa ala-alang bubuuin pa.


-IT'S A ZIO WORLD AFTER ALL

enter pinoy big brother theme song (hahahahaha!!!!) (rip-off! rip-off! rip-off!)

Thursday, November 03, 2005

With Compliments..

Nov. 1, i went to cemetery to visit our loved ones who already passed away, akala ko nung una baka hindi ako makakapunta, pero yun nga naka-visit din ako. Pagdating ko sa cemetery, napaka -init! at maraming tao! sobrang siksikan at sari-sari ang amoy- may amoy adobo, amoy pakbet, amoy shawarma at amoy paksiw, pati yung t-shirt ko nakisali rin sa samu't-saring amoy(yung shirt lang ha.) Ewan ko ba, ba't yung fave shirt ko pa ang nagkaroon ng amoy na ganun, naligo naman ako ng pabango, pero lakas ng power ng stinking shirt ko.

Sa dami ng tao na nanduon, nahiya tuloy ako. Hindi kase ako sanay magsuot ng ganun. May dala akong messenger bag, pero ewan ko kung ba't di ko naisipan na magdala ng extra shirt man lang. Siguro sa pagmamadali. At sa gitna ng kainitan, akalain mo ba namang biglang umulan ng malakas, buti na lang may dala akong mini-payong sa bag ko (yung tipong pag nasobrahan ng tiklop eh pwedeng bangkang papel sa liit.) Hindi nakuntento ang ulan, nilakasan talaga niJustify Fullya ang buhos niya, heto na, nabasa nako ng tuluyan.

After half an hour or more, tumigil na rin si ulan. At bigla namang umaraw. Ang sarap sa pakiramdam. Malagkit. (uso naman daw ang rice cake pag araw ng patay.) Prang gusto ko nang umuwi, pero hindi pa pwede dahil may dadaanan pa ko ng gabing iyon sa sementeryo sa Malabon. Ang amoy ko? overpowering na! umupo na lang ako sa tabi ng kapatid ko at nag patuyo ng mala-basahan kong shirt. The worst eh i'm so short on cash that day and wala akong dalang car! Buwiset! ba't ba sa lahat naman ng day eh dun ko pa nakalimutan mag dala ng extra cash! tuloy sana nakabili ako ng shirt.

Siguro hindi ako nakapag-prepare nung day na yun kase kala ko hindi ako makakaalis. Pero okay lang, kahit na short sa cash eh, puro kain naman ako. kase ang daming hinandang pagkain, sobra! tsaka masaya naman ako't nabisita ko at naipag-pray ko lahat ng dapat kong pasalamatan na mga loved ones nung day na yun. Kahit na umulan at hindi nakapunta yung regular kong ka-buddy na kasa-kasama ko sa Malabon, fulfilled naman ako at nagawa ko lahat ng dapat kong gawin nung day na yun.

Bry first absent mo 'to!


***


"Love me when i least deserve it, because that's when i need it most."