Monday, May 30, 2005

Creation of a new moon part 2

Huli na ng makitang tinanggap mo pala
Titig ng langit
Hinagpis sa unang luha
ng mga punong sumasayaw sa huni ng mga ibon
Dugo ang hampas ng hangin sa mga sayaw nito
Ayaw na rin sanang pansinin pa
ngunit gusto ko lang masaktan
Tulad ng sakit na nararamdaman
ng mga bulaklak na iyong inaapakan
Na lanta na't putol putol
Ang pag-hinga'y
Iyak ng kamusmusang alay
Bawat titig ng mga salita ay utos
ng sakit na iyong nararamdaman,
At ramdam ko rin
itong usal ng hangin na iyong nilalanghap
Na dugo ang hampas
Sa mga punong sawa na sa awit

Thursday, May 26, 2005

Dig down deep within this narrow labyrinth and bear witness to the horrifying fiend of truths that lie herein.

Developed and systemized addiction to contradiction

This requiem of madness

Thru words of neutralized lies and beauty of governed insanity

My eyes blurred of truth as to where I should be

To where, to whom this infection belonged

Guarded… secured… and protected.

Password embedded.

Tuesday, May 24, 2005

Throat or consequence?

i went to a doctor yesterday, pina check-up ko yung throat ko at ayon sa findings ng isang eksperto, i have Pharynxgitis, in lay-man's term: inflamation of the throat... the doctor told me na in no time i will have a rockstar voice. oh yeah! can't wait to have videoke nights with a voice like that. At eto na nga, i have a harsher voice today, sobrang sakit ng throat ko i can't talk normal. Ayus sana kase rockstar voice na, kaso hindi naman makapagsalita. So everything i have to say, i have to write, for example, pag nagagalit nako and i can't control myself from anger, ganito sinusulat ko, PU$@!&**&NA NILA!!! MGA BUWA*^@%$#NGNA NYAN!!!, kahit papano censored naman, kasi nakakahiya sa magbabasa. Eh pano pag i have to... lam mo na.., kelangan ba isulat pa sa kausap ko? madali lang, i will just have to gesture wait and then run, holding my crotch or my behind, alam na niya yun.

I just hope na yung psychedelic medicine na binigay saken ni doctora ay mag-work, kase the only thing i think it do is to blurr my vision and take me to wonderland. Parang sa Matrix, i'll take the blue pill, then, tapos, suddenly, maya-maya, kasama ko na si angel locsin na lumilipad sa polluted atmosphere ng mega manila.

Having a swollen throat is a very serious matter. I guess, i just have to take my medicine and take a lot of rest, just like the doctor told me. But still, with a voice like this, i really have to belt it out... "remember meeeee!/kapag nag-iisaaaaaaaa!...."

Thursday, May 19, 2005

Creation of a new moon

Sa aking pagtingin wari’y di mapansin, kabaitan ng buwan sa’yong mga mata

Nangungusap bituing nagniningning, kumikinang ang mga ngiting ang iba’y di mapapansin

Sa mga sekretong sulyap at dampi ng malamig na hangin sa aking balat, ika’y diwata at lahat ay tila isang likha nitong paraiso ng mutya

Isang gabing tulog ang pag-asa, sa mga sulyap, tingin at ngiti na di ko na rin halos mabasa, sana’y mapakitang ubos na sa luha

Kunwari’y masaya na lang, kunwari’y humihinga pa, sana’y mapaabot sayo sa mga basag na salita na humahampas sa pagkukunwari

Ako’y tubig at ika’y ang batong aking hinahampasan

Sayo, ang mga bulong ay nagsasabi…